Parokya Ni Edgar
Muli
[Verse 1]
Kay bilis ng pangyayari at 'di ko namalayan
Na ako pala'y iiwan mo ng ganon na lang
Kahit na anong gawin hindi kayang tanggapin
Ng puso ko't isipan na ika'y lilisan

[Chorus]
Maaari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay makapiling kang
Muli kang masilayan at muli kang mahagkan
Sana'y 'di na iwan pang muli

[Verse 2]
Hindi ko sinasadya na ikaw ay masaktan
Kaya't sana naman ay iyong maintindihan
Na ako ay nagsisisi at nangangako sa 'yo
Na 'di ka na luluha pang muli sa piling ko

[Chorus]
Maaari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay makapiling kang
Muli kang masilayan at muli kang mahagkan
Sana'y 'di na iwan pang muli

[Interlude]
[Pre-Chorus]
'Di na ba mapagbibigyan
Bakit 'di maunawaan

[Chorus]
Maaari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay makapiling kang
Muli kang masilayan at muli kang mahagkan
Sana'y 'di na iwan pang

[Chorus]
Maaari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay patawarin mo
Ako ay nagsisisi
At nangangako sa 'yo
'Di ka na luluha pang muli