Nonoy zuniga
Kumusta ka
Kumusta ka?
Ikaw ay walang pinag-iba
Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita
Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayao
Tinitingnan kita hanggang wala ka na

Kumusta ka?
May ibang kislap ang yong mata;
Halata na ang daigdig mo ngayon ay kay saya
Siguro ay nagmamahal ka na ng totoo;
S'ya ba'y katulad konung tayong dalawa?

REFRAIN:
O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan;
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal
Walang masabi kundi kumusta ka

Kumusta ka?
Ano ba'ng dapat sabihin pa?
Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba
Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon, sinta mahal pa rin kita

REFRAIN:
O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan;
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal
Walang masabi kundi kumusta ka