Quest (PHL)
Huling Gabi
[Verse 1]
Kung ito na nga ang ating huling gabi
Mga natitirang sandali, 'di na ikukubli
Lahat-lahat sa'yo'y ibibigay
Huling beses magsasabay
Sa himig na pag-ibig ang taglay
Bago mawalan ng saysay

[Pre-Chorus]
Hawakan ang aking kamay
Higpitan ang kapit, pwede ka pang lumapit
Kalimutan natin, bukas na sasapit
Dito na lang ako, dito na lang tayo
Walang manggugulo na parang atin ang mundo

[Chorus]
Sa sandaling tila habang buhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay itinakda, langit ang may akda
Ayokong kumawala sa'yo
Huling sayaw na natin 'to
Huling halik sa'yong noo
Huling pagdidikit ng puso

[Verse 2]
Mga sandaling tila habambuhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay itinakda, langit ang may akda
Ayokong kumawala sa’yo
[Chorus 2]
Dito na lang ako
Dito na lang tayo
Walang manggugulo
Na parang atin ang mundo