Quest (PHL)
Paborito
[Verse 1: Quest, Reese Lansangan, Both]
Ikaw lang talaga (Mula noon, hanggang ngayon)
'Wag ka nang magtataka (Hindi na magbabago 'yon)
Kung ikaw ay musika (Press play, repeat, loop)
Ikaw 'yung librong, 'di ko maibaba (You're my best-selling book)
Parang teleseryeng 'di pwedeng palampasin
Parang "Good morning" text na kailangang ma-send

[Pre-Chorus: Quest, Reese Lansangan, Both]
Ikaw pa rin ang una, 'di kailangang magduda
Kabisado na kita, like my favorite game I know you by heart
Up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, select, start

[Chorus: Both]
Ikaw ang aking paborito, tanong mo kahit sino
Pagmasdan mo ang ngiti ko, ikaw ang dahilan
Sana palagi kang nandito, para araw-araw mismo
Kahit kailan, kahit saan, ikaw ang aking paborito

[Verse 2: Both, Quest]
Kung si Goma may Lucy, si John may Marsha
Si Kiko may Shawee, si Popoy may Basha
Kailangan kita, mahirap mag-isa
Walang pagpipilian, ikaw lang talaga
Ang tunay, ikaw ang kulay sa'king buhay
Umaga, tanghali, gabi, hindi mauumay, oh, my
Parang Slice of Life, si Larry lang ang hinahanap
Parang That's Entertainment sa mga batang nangangarap
[Pre-Chorus: Quest, Reese Lansangan, Both]
Ikaw pa rin ang una, 'di kailangang magduda
Kabisado na kita, like my favorite song I know you by heart
"Na sa'yo na ang lahat pati ang puso ko"

[Chorus: Both]
Ikaw ang aking paborito, tanong mo kahit sino
Pagmasdan mo ang ngiti ko, ikaw ang dahilan
Sana palagi kang nandito, para araw-araw mismo
Kahit kailan, kahit saan, ikaw ang aking paborito

[Post-Chorus: Quest]
Halika rito, ikaw mismo
Ikaw ang aking paborito

[Verse 3: Quest]
Vanilla ice cream na may chocolate syrup
Sa ibabaw, na umaapaw
Tapos suot pa 'yung T-shirt na pampaswerte
Araw-araw kahit umaalingasaw
'Yung sapatos na sira 'yung suwelas, pilit pa ring sinusuot
'Yung lumang Ray-Ban pa rin kahit na baluktot
Ayaw bitawan, ayaw pakawalan
'Yan kasi 'yung paborito ko, parang ikaw lang 'yan
'Di naluluma sa mata ko bago pa rin
'Di ko pagpapalit kahit may bagong dumating
Ang layo nang narating, iba pa rin ang dating
Parang Alice Dixson lang, ang ganda mo pa rin
Uulit-ulitin, babalik-balikan
Parang luto ni nanay, hindi mo mapapalitan
Walang kapalit 'yan, para sa akin lang custom-made
Walang makakadaig, because to me
[Chorus: Both]
Ikaw ang aking paborito, tanong mo kahit sino
Pagmasdan mo ang ngiti ko, ikaw ang dahilan
Sana palagi kang nandito, para araw-araw mismo
Kahit kailan, kahit saan, yeah