Nicanor Abelardo
Kung Hindi Man
Irog sandaling dinggin ang aking pagtangis
Irog sandaling tunghan ang humihibik
Kung 'di man nararapat sa iyong dikit
Isang sulyap mo lamang, Aliw na ng dibdib

Kung saki'y wala nang inilaang paglingap
At ang pagdurusa ko ang siya mong pangarap
Sa isang ngiti mong sa aki'y igawad
Libo mang kamatayan aking tinatanggap