Nicanor Abelardo
Ikaw Rin
Irog! masdan mo ang pagtangis
Ng abang pusong api sa pag-ibig!
Tanging lunas na nga lamang di lagmoy masilip
At itataghoy-taghoy ang mga pasakit na tinitiis

Yaring pag-ibig ko man ay iyong dustain
Madlang pasakit ibunton sa akin
Asahan mo, Irog! Magpahanggang libing
Ikaw rin ang siyang gigiliw-giliwin

Asahan mo, Irog! Magpahanggang libing
Ikaw rin ang siyang gigiliw-giliwin